10.30.2010

PANIMULA

Reset.

Kelangan ko ng bago...bagong ideya para sa lumang blog na ito na wala man lang bumabasa kundi ako.  Kelangan ng matinding pagbabago.....mabilis at masidhi ang nararapat upang makapukaw ng atensyon ng mga piling mambabasa.

Kelangan magbagong bihis upang hindi pagsawaan katulad ng pagkasawa ko sa adobong may sabaw...sa pritong manok...sa itlog at hotdog...at sa panonood ng mga walang kasaysayang programa sa telebisyon.  Nakakasawa na! Nakaka-uta kumbaga.

Kelangan ng bagong timpla upang pumatok sa metikolosong panlasa.
Kelangan ng bagong hugis upang magkaroon ng bagong salat.
Kelangan ng bagong kulay upang hindi mabulagan.
Kelangan ng bagong buhay upang hindi maiwan sa dakong ilalim ng karagatan.
Kelangan ng bagong personalidad upang hindi ayawan.

Gaya ng pagbalasa ng baraha, dito magsisimula ang bagong kabanata, ng bagong kwento, ng bagong emosyon at ng bagong pagbabahagi ng sarili.

No comments:

Post a Comment